duelong mapangahas

        Arvin Bellen: “ We live in one dream,
                       We fight for one struggle’
        &n bsp;          & nbsp;  Together , we build God’s Kingdom”
    • Jose Jonathan Advincula Bitoy : panalanging taimtim...

    • Jose Jonathan Advincula Bitoypangarap na kimkim, lilipad at lilipad din... sa pakpak ng ating mga panalangin.....

    • Arvin Bellen:  lalanguyin ang bugso ng hanging habagat, sasayaw.. ...bubulusok....susuungin ang daluyong ng dagat...dadampi na parang bulong

    • Arvin Bellen : magmamartsa sa ritmo ng pintig ng mga puso...animoy kidlat na guguhit sa ting kalooban...tutunawin ang bato na animoy kandilang lumuluha...mananahimik...makikinig...magpapaubaya...ang Pag GANAP...

    • Randolf Collantes sama-samang titibagin pader na gawa sa hangin

      Kasabay ang tila isang matikas na alipin ngunit loob ay kalawangin

      Ang perlas na nakalutang sa lawang mapang-api

      nagmistulang basurahan ang loob ay uod walang kalapati

      Sa daan-libong likod nakapatong ang masama

      Hikbi ng dukha ang lakas ng pupuksa!
    • Jose Jonathan Advincula Bitoy : Kaya nga't dalisayin ang pusong imbi....nang angking yamang sa puso'y nahimlay... titiwalag at sisilay sa mundong naghihintay... di babahiran ng paniniwalang di alam kaliwa o kanan... ngunit sadya lamang kikilingan pinaglalabang noon pa man... dalawang libong taon na ang lumipas... mensaheng walang kupas... sapagkat di nakukuha sa dahas... ang maliwanag at payapang bukas...

    • Arvin Bellen:  pagluha ng dugo kailanmay hindi ang tulay...sa pagsalubong sa bagong araw....subalit ito ang tanging tugon ng kaaway...kaliwa...kanan...atras....abante...pagmasdan ang sayaw ng kasalukuyan...napapaindak, napapatalon si fulano...napapahiyaw, nahihibang si fulana...may mga lalong nawawalan...may mga lalong nagkakaroon...kalakarang uhaw sa kontra tiempong galaw...pagbubulag bulagan, pagbibingibingihan o pananahimik....itoy pagsang ayon sa indayog na nakakabangag...sayaw na mapanganib...itigil ang bangungot na ito...baguhin ang kwento...nang ulong pugot sa platera'y di mag katotoo...

 

 

Into the Mountain: One Week Exposure

          Nowadays there are many new technologies coming from different countries. The cultures are fast changing, some taboos in the past are now considered as natural phenomena. Mass media is one of the big factors that contribute to our changing world. A single change affects the community, the family and the person itself. Most of the youths are having parties left and right and spending money for buckets of beer and going home late at night. Children are on to play station, computer games and game boy and the parents are busy doing their work. This picture tells us that everyone has its own work to do. The kitchen table with its bounty of food is only surrounded by empty chairs.

             Year 2011, November 5-13, one week exposure in the mountain. The Claretian postulants had an opportunity to live in the mountain where there were no malls, hotels, game boy, and computers. Everyone has its own work to do but in time of meals they gather as a family thanking God for the graces they receive. Youths also drink but they drink as a community. Life in the mountain is very simple.

             All of us were excited to go in different areas but of course we were quiet nervous. We were excited to meet new people and to live with them and a little nervous for we do not know what to do there. There was no assurance where to live and we don’t even know if we can eat three times a day.

             We were divided into eight areas namely Pagluksuon, Hampig, Riverside, Cabingtan, Gaas, Maglahug, Barukan, and Liberty. We were exposed to different people and situation. There are communities who only have few Catholics, communities where politics are always in the mouth of the people, and communities where we really have to work hard and going back home without any food in the table. All of us learned how to adjust to the different situation and in spite of the challenges we learn how to live there.

             The people in the areas became our inspiration in our vocation journey. A tiring week is a treasure that helps us develop and nurture our vocation. This is a week of our life that we will never forget. We won’t forget walking in the mountain barefoot, eating exotic foods like “pakra” (frog), and “halo” (bayawak, monitor lizard), and working manually for almost the whole day and most especially we will not forget the innocent smile of a child, conversation with a true person, a community that shares and a precious life of every person there.

             All in all, our journey is a dialogue of life and faith with the people in the areas. And at the end of the tiring and challenging exposure we still can say with the people of Ormoc that God is good all the time!

slb30-bg

by Earl Narazabal, claretian novice


Read More

Peklat

 

 

     Natatandaan ko noong bata pa ako paborito ko ang pagtakbo. Natural na ata sa bata yun. Dahil medyo mataas ang lugar namin sa aming barangay sa probinsya, nakagawian ko ng tinatakbo ang kahabaan ng kalsada namin. Di pa sementado lugar  namin noon, bakubako pa. Dekada 70. Nakalabas lahat ng bato kaya bahagi na ng pagtakbo ang matisod, matumba, masugatan, magkaPEKLAT.

    Naranasan  mo na ba sa probinsya yung utusan ka ng tatay, nanay, lola, lolo, tito o tita mo sa tindahan para bumili ng tingi-tinging mantika, gaas, toyo o suka, na tinatakal  sa pang-scoop ng gatas na Bonna ng baby noon? Ako madaming beses kong naranasan yan. Pero dahil nga sa kakatakbo, minsan nadadapa...ayun basag ang bote. Patay. Haha. May sugat ka na, may pingot ka pa paguwi. Pag bata ka, parang lahat ng problema sa mundo nakaikot sa basag na bote at mantikang natapon... di mo alintana ang sakit ng sugat at posibleng PEKLAT, kasi mas iniinda mo ang talak ng magulang paguwi. Wala ng bote, wala pang mantika. Ang mahirap kung nakahanda na ang ipiprito o lulutuin tapos yung huling barya na sa bulsa ang pinambili mo sa tindahan bago sumapit ang dilim. No choice pare. Balik ka sa tindahan, mangutang ka...at ipangako mo na babayaran mo sa susunod na araw. Siguraduhin mo lang na marunong kang tumupad sa pangako.

 

      Habang tumatanda ako nawawala mga marka sa katawan ko ng pagkatisod o pagkadapa noon. Umuunat ang balat ng tao. Kumukunat din hehehe. Pero may mga PEKLAT na dala mo hanggang libingan. Bakit? Dahil malalim...napakalalim ng sugat na pinagmulan nito. At madalas, di mo pwede makalimutan ang araw kung saan nasugatan ka. MASAKIT. MAHAPDI.

 

     Doseng taon na pari na ako. Di na ako tumatakbo dahil bibili sa tindahan. Kung tumatakbo man ako ngayon dahil sa minsan mali-late na sa misa. Haha. Di na patingi-tingi ang bentahan ng mantika, toyo at suka ngayon. Kadalasan isang bote na. PERO KAHIT PARI NA AKO...MALAKI PA RIN ANG POSIBILIDAD NA MAGKAPEKLAT AKO. Wag kang magtaka at tumawa (ako mismo natatawa..hahaha). Literal ang tinutukoy kong PEKLAT. As in PEKLAT.

     Napuna ko kasi lahat ng Klaresyanong Misyonero na dumaan ng Tungawan, lahat may PEKLAT sa binti. Iba ibang hugis, iba ibang laki, iba ibang design (haha), iba ibang kulay, iba ibang lalim. Pero parepareho PEKLAT. Si Fr. Elias, dala nya PEKLAT nya hanggang maging Canon Lawyer (kahit "Malayo ang Roma"). Si Fr. Jobitz, dala nya PEKLAT nya kahit Church Historian na. Si Fr. Mau, dala nya PEKLAT nya kahit direkyor siya ng Claret Zamboanga. Si Fr. Angel, kahit superior na ng Zamboanga. Si Fr. Edgar, kahit superior ng Basilan. Higit sa lahat, si Fr. Caloy... ang nagiisang buhay na Alamat ng misyon ng mga Klaresyano dito sa Tungawan. Nitong mga huling linggo ni Fr. Caloy dito bago siya nalipat ng assignment, di lang PEKLAT inabot nya. Natanggalan pa ng mga kuko. Sigurado ako si Fr. Buddy na nagaaral pa ngayon sa Roma di pahuhuli yun. Si Badong pa.Hahaha.

     Hindi kami fraternity na dumadaan sa hazing para magkaPEKLAT. Relihiyoso at Misyonerong Kongregasyon kami. Hindi paddle ang sanhi ng mga PEKLAT na yaon. Motor. Motorsiklo. At markado ang bawat Klaresyano na dumaan ng Tungawan, sa pamamagitan ng kanilang mga PEKLAT sanhi ng pagkabuwal sa motor habang nasa misyon. Ako gasgas pa lang. Wala pang PEKLAT ("pwera buyag"...haha).

 

     Hindi lang tao ang nagkakaPEKLAT. Hindi lang mga pari ang nagkakaPEKLAT. NagkakaPEKLAT din ang lupa. Si LUZVIMINDA. 

 

 

  

     Napa kaganda ng Tungawan. Worldclass ang mga tanawin namin dito, pwera biro. Pwede kong ipangtapat ang mga beaches at waterfalls namin dito sa mga tourist destinations ng Thailand, na turismo ang ikinabubuhay. Napakaganda ng Lo-ok Labuan beach. Kamangha mangha ang mga waterfalls ng Mosum. Sagana kami sa yamangdagat, lalong lalo na ang Logpond. Pero sa likod ng kagandahang ito, itinatago ng Tungawan ang mga PEKLAT nya na gawa ng kasakiman ng tao.

 

     Madamidami rin ang nag"like" ng aking photo album na Logpond dito sa facebook. Pero ni isa walang nagtanong bakit Logpond ang pangalan ng lugar na ito. Hango ito sa dalawang Ingles na salita (obyus ba? hehe): log at pond. Wala pang nangahas magsulat ng kasaysayan ng lugar na ito kaya nagtanong tanong ako sa mga matatanda ng lugar. Sabi nila, tinawag daw na Log- Pond ang lugar na ito dahil dito ibinabagsak mga troso (logs) mula sa kabundukan ng Tungawan noong panahon pa ng mga Amerikanong kumpanya ng logging. Parang pond din kasi ang hugis ng dagat dito. Banayad ang alon kasi napapaligiran ng bundok at di iaanod ng malayo ang mga troso. Hehehe...May isyu. Exciting na to 'pre.

 

     Napukaw ang aking curiousity sa lugar dahil nakita ko ang tatak ng USAID doon. Sa loobloob ko lang, "Ano ang ginagawa ng selyo ng Agila sa isang lugar na ang mga tao, Muslim at Kristiayano, ay  pawang parang mga basang sisiw sa hirap?" Maliban sa ilang metrong sementong  extension mula sa tabingdagat na nagsisilbing detachment ngayon ng mga mababait na kaibigan kong mga CAFGU at ARMY (bantay-dagat), wala akong makitang makabuluhang proyekto na magpapatunay na minsan pa, may AID. Madaming beses na akong bumabalikbalik sa Logpond, pero di ko talaga makita ang "konek" ng USAID sa tindi ng hirap ng mga tao dito. Di bago sakin ang style na ganyan. Galing ako sa East Timor sa misyon namin doon. Hay naku. Nasa loob ng parokya namin noon ni Fr. Rene (Suai at Salele) ang dalawang malalaking balon ng langis. Itim na langis. Puro. Magandang klase. Pagbinubuksan ang mala-water hydrant na tubo nito, parang geyser na sumisirit ang langis pataas. Bago ako umalis ng Salele para bumalik 'Pinas, binakuran na ng mga sundalong Hapon (Japanese Peacekeepers) ang buong area. Walang kakayahan ang mga East Timorese na i-develop ito. Wala din silang pera. Kaya ang solusyon, gamitin ang US Dollar  bilang pangunahing tumatakbong pera ng East Timor hanggang ngayon. Alleluia! Ang cute di ba?

     Tayong mga pinoy mababait. Pero minsan ang ating kabaitan may halong katangahan. Wag kang defensive. Totoo kaya. Dito sa Tungawan, bongga na ang pakiramdam ng ilang barangay na mabiyayaan ng ilang metrong solardryer ng mais o palay o agar-agar. Tapos sa tabi nito nakatayo ang isang buong plywood na abiso "From the Generosity of the People of America in partnership with the Philippine Government". Talaga lang ha. Diyos ko! Ilang pulgada ng semento lang yan mula sa lupa. Madalas nga siguro di pa buo ang pondo na inilaan doon kasi syempre...heheh. Kailangan pa bang i-memorize yan? Bisyo na tooooooooo. Hahaha. Maluoy na lang ta.

     Masaya na ang simpleng magsasaka at mangingisda dito na makatanggap ng donasyong solardryer ng mais, palay o agar-agar. Ang di nila makita ang libolibo at di malipad-uwak na ektarya ng lupa ng Mindanao na kinalbo ng Amerika dahil sa logging matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. Nakakatuwa na nakakabwisit. Kung paano protektahan ng mga banyaga ang kanilang mga gubat at likas na yaman sa kanikanilang bansa, ganun din ang ganid nila na abusuhin ang iba. Noong nagkataong nakapasyal ako sa Canada, malaking isyu sa kanila ang makasagasa ng possum sa highway malapit sa gubat. Kailangan i-report mo sa police. Ok lang naman. Pero dito sa atin sa Pinas? Makasagasa ka aso, pusa? Deadma! Minsan nga pati tao pa. Unique talaga ang Pinoy no?

     Pero hayaan mo na yun. Nakaraan na yun. Eto ang mas matindi at di ko lalo maunawaan. Pineklatan na tayo ng ibang lahi, kailangan bang peklatan din natin sarili natin? Para tayong mga adik na masohista. hahahaha.

    Hayzz. Simple ang tinutukoy kong isyu (dami kasi paligoy ligoy): Illiegal logging at illegal mining dito sa amin. Panahon na sana para tayo mismo prumotekta sa ating kalikasan, pero imbes na prumotekta, tayo pa lalo ang sumisira. Sa 46 na kino-cover naming chapels sa buong Tungawan, pasasaan at madadaan ka sa mga pinutol na troso, mga uka ukang lupa ng small scale mining (eto lang ang small scale na ang mga padrino sa likod big fish... estoryahi ko!)... Di ko na kailangan isalaysay pa mga epekto neto, ngayon at sa mga darating pang henerasyon. Nakakatamad na. Alam nyo na yan.

     Hindi ako lumad ng Mindanao. Pero tuwing tinitingnan ko Peklat ng Tungawan, iisa ang nasa isip ko. Ano kaya ang magiging kinabukasan ng mga sanggol na kabibinyag ko pa lang dito? Pag nasa punto na akong ganito, pasasaan ba't tatakbo pa rin sa ganitong dialogue "Hindi sila papabayaan ng Diyos".

    Hay ewan. Maka- repack na nga lang netong mga school supplies na dadalhin namin sa bundok bukas. Kalbuhin man nila ang gubat, bombahin man nila ang dagat, butasin man nila ang lupa ... DUYUG MINDANAO!

 

Mga Batang Dacon: Sa Pusod ng Gubat

 

Isa sa mga katangian dapat ng isang misyonero ay ang pagiging "lakwatsero". Kami ni Fr. Kinz, ang aking kura paroko at kapwa Misyonerong Klaresyano dito sa Tungawan, pastime na ata namin ang pagakyat sa bundok, di lan g para magmisa, kundi para mag"lakwatsa". Wala kasing Starbucks dito. Malayo din ang Jollibee, andun sa Ipil. Walang The Fort, Eastwood, Bangkok. Wala ding Bistado, Gaisano Mall. Wala ring Paseo del Mar, Catribu... pero wag ka..may Dacon kami. hehehe.

Ang Dacon ang huling kapilya namin sa border ng Zamboanga City at Zamboanga del Norte. Noong huling punta ko noong nakaraang linggo inabot ko ang Guban, Zamboanga del Norte at nakilala ko, nakausap at nakaharap sa isang simpleng tasa ng kape ang pinakamataas na opisyal ng kumpanya. Si Mr. Ulysses Kho. Mabait. Narating ko yun kasi nga "lakwatsa". Curious ako ano itsura ng Guban, Sirawai.

Pero sa tuwing aakyat ako ng Dacon, lagi akong napapalingon sa isang dampa sa tabi ng daan malapit na sa barangay site. Kakaiba sya.

Magisa lang syang nakatayo (o nakalupaypay?) sa gitna ng kakahuyan. Napakaliit. Butas butas na nipa na bubong. Pagsumandal ka sa sawaling dingding..hehe..ingat ka. Baka kasi malaglag na to o matangay pa ng damit mo (lalo na kung branded), kasi malambot na mga to. malamig ang Dacon. Nasa tuktok ng bundok. Kita sa daan ang loob ng bahay. Baga pa kita na ang kaluluwa, dahil ang ilang bahagi ng dingding, bumagsak na.

Hindi ang bahay ang nakakatawag pansin sa akin doon, kundi ang 3 bata na naglalaro palagi doon. Pinakapanganay ay lalaki, 10 years old. Babae ang susunod, 7, at ang bunso, 4 years old. (Siguro ok na ang tatlong anak, kasi pag sinabi kong 5 ang anak tulad dun sa Mosum, baka birahan ulit ako ng linyang "Kasi di umaayon ang simbahan sa contraceptives, kaya ayan andaming mga anak. hahaha. May bumira kaya sa aking ganyan... di nyo lang alam. Pero ayos lang. Di naman sya dukha...mayaman nga e. At sa ibang pagkakataon na ako kakasa sa mga condom condom at pills pills na yan)... Balik tayo sa kwento ko. Hahaha. Exciting ba?

Bago ako umakyat noong nagdaang linggod dun, humingi ako ilang damit pambata kay Ate Gemma Tayag dito sa Tungawan. Salamat 'te. At since may ilang kilong bigas na alay ang 2 pang kapilya na aking minisahan na bago pa tumuloy Dacon, dagdag neto ang 2 plastic ng tinapay, sabi ko sa sarili ko, may iaabot kami sa mga bata. Pero nagtaka ako dahil pagdaan ko doon, wala ang 3 bata. Bumaba ako motor para tingnan bahay. Alaws talaga. So, tumuloy na lang kami.

Minsan nakakatuwa mga tinatawag nating "coincidences" sa buhay natin... o sadyang iginuguhit ata ng Diyos ang bawat minuto ng ating buhay. Dala dala pa namin pasalubong sana sa mga bata. Iiwan ko na sana sa bahay kasi uuwi naman mga yun, pero nagdalawang isip ako kasi baka kainin ng hayup o kunin ng ibang dumadaan. Pero may isa pang dahilan bat gusto ko na iwan. Mabigat sa bag. Masakit na katawan ko. Nakakapagod. Ikaw kaya.

Sa patuloy na pagtakbo ng motor namin, nagawi ang mga gulong neto sa pangpang mismo ng bangin na aming dinadaanan. Di ako madalas tumitingin dun kasi nakakahilo, pero sa sandaling yun, palubog na araw (sa Dacon kami natulog) tumingin ako sa baba ng bangin. Toinkz. Andun yung 3 bata. Coincidence? Malay ko? Ewan ko.

Nakaupo magkatabi yung dalawang batang babae sa tabi ng maliit na waterfalls, samantalang namimingwit ng maliliit na isda ang kuya. Ulam. Ikaw?  Kelan ka ba huling "namingwit ng isda para may maiulam kapatid mo"? Kelan ka ba huling tumingin, umupo at nagbantay sa "pangingisda ng Diyos"?

Tinawag ko sila. Pasigaw kasi malayo. Gulat mga bata na parang ayaw lumapit. Di naman nila ako kilala. Di nga ako tinawag na father. Uncle ang tawag. Sosyal, nasa gubat ako, tapos bigla akong nagka nephew and nieces. Astig hahaha.

Nung nakita nilang may dala dala kaming supot, di magkandaugaga sa pagakyat sa bangin ang 3. Ganun talaga ata ang tao. Sa anggulong positibo, tinatawag na ng Diyos minsan, ayaw pang lumapit hanggat di nagigising sa katotohanang wala sa "waterfalls at ilog" ang biyaya, kundi nasa kamay ng Diyos. Sa anggulong negatibo, parang politika din yan sa Pinas. Pagtatakbo kang kandidato sa eleksyon, never kang mananalo pag wala kang pera. Pero oras pinakitaan mo ng "supot at sobre" ang tao, sure pare...winner ka. Dahil pag di mo rin binoto lalo na at natalo, at tinanggap mo ang supot at sobre... heheh...tigbak ka! Kahit na kadalasan, ang laman ng supot ay ahas, at ang laman ng sobre ay abo.

Binigay namin ang damit, bigas at tinapay at karipas sa takbo ang 3 pabalik sa bahay nila. Bat nga naman babalik pa sila dun sa bangin at mangisda sa takipsilim, e may isasaing na sila sa gabing yun. Alam ko nasa isip mo... heheh, walang ulam. May talbos ng kamote akong nakita sa gilid ng bahay nila, ok na yun. Kami nga ni Fr. Ric nabuhay sa talbos ng papaya sa Timor. hahaha. Wag kang mag-alala, di sila gugutumin ng Diyos sa gabing yun. Kung ikaw nga, wala sa gubat, kahit mahirap ang buhay never kang nagutom talaga. Minsan nga maarte ka pa sa ulam.

Siyanga pala, di pa dumadating nanay at tatay nila nung dumaan kami. Nagtatrabaho pa sa plantasyon. Di rin sila nag- aaral. Araw araw ganito sila. Tunog ng gubat ang naririnig. Bangin ang playground. Lalaki silang mangmang at patuloy na aakitin ng "supot at sobre" ng dilaw, pula, orange, berde at iba pang kulay na umaakyat sa entablado at nakikita sa mga poster. Sa gabi na yun nung natulog ako sa Dacon...NAKIPAGTALO AKO SA DIYOS.