Yungib ng mga Hikbi

 
labindalawang nakabiting paniking lampara
bukod tangi ang isa, inabandona ng buhay
mala-gatas na sisidlan, patagong dumudungaw
pinanghaharian ng espasyo ng kawalan
 
matutulis na pangil ng mga batong inulila ng haplos
pinagpatong patong na lungkot ng itim na kaulapan
luntiang halaman agaw-eksena di alam ang dahilan
krus ng muling pag ahon at pagsulong
 
reboltong pinaghihinaan sumisisigaw ng pagpapaubaya
nangungusap ang pagsuko at pagpapasya
talsik ng liwanag sa mata’y mapangsilaw
mala-gagambang gumagapang sa yungib ng kamatayan
 
tulis ng pangamba ng hati hating istorya
liko likong  lubak sa nagyeyelong lagusan
tutuklasin  ang rurok ng balon
dudukuting parang kidlat ang kamalaya’y babalikwas
 
talim ng bigwas mula sa  pagka bihag
kuweba’y lilisanin at maglalayag na animo’y bulak
iduduyan at lulutang sa katahimikan ng Kanyang yakap
makikinig at  makikipagniig sa yungib ng mga hikbi
 

Into the mountains…

Fr Louie made mention yesterday at some point in his brief sharing that God’s glory dwells on high places such as the sky scrapping mountains and hills. A thought flashed back my own experience in Tumahubong where people constantly share their stories of repulsion and realities of nightmares, and pictures of high places come into sight on my mind screen simultaneously.

Whenever I hear the word high grounds when I was in my exposure area, it always threatened and scared me, for high ground is the place where the rebels positioned themselves and to surprise attack innocent people in vehicles, such as the gomeros, motorist, and travelers. It is also in the elevated grounds that the four canyons of the army are situated, the place where the rebels are trained and encamped, and the place where the bandits hide their hostages.

All I thought that this place is only known for such occurrence, yet I was wrong, the place history has so much brutality dealings to tell yet it was not seen when we were there because of the smile they wear, lively community, and different enjoyable social affairs. The people have so much wisdom to say, how they face their own fear with faith, tears, aspirations and hope knowing and believing that this happenings will not hinder them to be active in church activities and to move on their lives. Even if they feel like they want to surrender because they cannot take the incidents happening anymore, still they live faithfully strong with the Lord and didn’t blame God for such undertakings. I was silent, idled, and dismayed knowing my own limitation that I could do nothing but just to offer attentive ears, a heart to hold their own stories, and lips to offer encouragement of having faith in God.

I remember one time when a youth sat besides me while seeing a truck with Gomeros standing and few guards and told me happenings that saddened her the most. She said: kuya di mo alam kung anong mangyayari sa araw na to. Sa umaga masaya ka kasama mo papa mo maghahanda ng pagkain seo tpos magsasabing mag-iingat ka pero pagbalik nya galing sa trabaho bangkay na pala. I didn’t say anything and I was so silent until the topic was changed. After she left, I walked around our compound and tried to ponder on the word she said. I brought it up into prayer and ask several questions to God yet not even one was answered. This reality has left many hearts afflicted, teary eyes and close fist because of so much pain. Yet I asked God why am I send into those mountains?

To this day the question is left unanswered and continuously searching for its deeper reflections. Yet it only teaches me to pray more ardently and to ponder more deeply upon such actualities. My exposure there granted me a bottomless impact to persevere in following the footsteps of the Lord, that even in the point of surrendering like the people there, they chose to carry on, even in the point of leaving they chose to follow and that even in the point of blaming they chose to love. I hope I could also carry such values as these that I may follow and continue to serve God faithfully.

Tumahubong and Cabintan holds the same pictures of mountains yet has different life scenario, different people, different anecdotes of life experience and different ways of experiencing God. Yet still I continue and will climb those and the other mountains because it has so much to tell behind that it even challenges the comprehension of the mind. Here in the novitiate, where the place is surrounded by towering mountains. Maybe we can ask ourselves: are we ready to meet the Lord into the mountains? Let us include in our prayers the safety of Gomeros/tappers and the people of Tumahubong as well as cabintan, that may the good Lord bless, protect, keep them safe and journey with them in their life challenges in their day to day living.

IKA'Y NANGUNGUSAP (claretian annual retreat reflection)

Ika’y nangungusap
 
sa likot ng munting pipit
sa pagsagwan ng mga pakpak
 
sa hampas ng hangin
sa panakaw na dampi ng lamig
sa kiskis ng mga dahon
 
sa gapang na liwanag
sa halakhak ng araw
sa guhit-ngiting galak
sa pagbagbag ng umusok na ulan
 
sa mapang-akit na buwan
sa  harot ng mga bituin
sa linamnam ng  hapag
sa nakakandadong lagusan
sa paglapat sa katre ng pagsuko
 
sa mga nagmamartsang tanod
sa pagsalubong sa bukang liwayway
sa pag yakap sa bagong umaga
sa bigkas ng mga oracion
sa litanya ng pagbangon
sa pagtiklop ng mga tuhod
 
sa pagposas sa mga titig
sa pagdikit ng labing matabil
sa pagragasa ng luha
sa mga piping saksi
sa eskandalosong  pagpapasya
sa patay sinding lampara
sa sarswelang mapangahas
 
sa mga letrang mapang hamon
sa mga kwadrong matanong
sa panliligaw sa salamin
sa pagbaon ng bangungot
sa pagbangga sa hamon
sa lindol ng kalamnan
sa yungib ng mga bingi
sa balon ng buhay
 
sa diwang malaya
 
sa muling paghakbang
 
sa kumpas ng kapatiran...Ika’y nangungusap
 
annual provincial retreat
 

“Sa Ilalim ng Payong: Isang Pag-ninilay sa Prayer Power Rally Laban sa RH BILL”

Habang nakasilong ako sa ilalim ng malakas ng trompa ng sound system, pinagmamasdan ko ang mga payong na basa sa ulan. Iba't ibang kulay, may malaki at may maliit, may mukhang mamahalin at meron ding mukhang libre sa mga tindahan pang-advertisement. Nakaka-aliw pagmasdan ani mo'y parada ng mga matitingkad na payong. Ngunit sa bawat payong ay may taong nakasilong at higit sa anim na oras nang nakatayo. Iba't ibang payong na sumasalamin sa bawat mamamayang Pilipino, mayaman at mahirap, bata at matanda, babae at lalaki, nanay at tatay, pari, madre, relihiyoso, seminarista, mga taong simbahan, at kabilang sa iba’t ibang pananampalataya na nagkaisa bilang isang bayan na may ipinaglalaban! Nakasilong man sa iba't ibang payong, iisa ang isinisigaw, Buhay!

Agosto 4, 2012, isa na namang makasaysayang pagtitipon ang naganap sa EDSA Shine, ang tahanan ng People Power Revolution. Muling nagkaisa sa isang Prayer Power Rally ang mga Pilipino upang ipamalas sa mga mambabatas, gobyerno, lalo na sa pangulo ang pagtutol sa RH Bill na itinuturing kalaban ng pagpapahalaga at KULTURA NG BUHAY. Pinangunahan ng Simbahang Katoliko, ang mga Pilipino ay mapayapang lumabas sa lansangan upang ipagdiwang at ipaglaban ang BUHAY. Isang tinig ang isinisigaw: "Ano ang dapat gawin sa RH Bill? Ibasura! Ibasura! Ibasura! Isang bayan, isang lahi, isang tinig na ipinaglalaban ang BUHAY NG TAO.

Nagtiyagang tumayo sa basang kalsada sa ilalim ng malakas na ulan ang taong bayan upang makinig sa mga paliwanag kung bakit tumututol sa pagsasabatas ng RH Bill ang Simbahang Katoliko at maging ang iba nating mga kapatid na nasa ibang pananampalataya. Nagpaliwanag ang mga Obispo at nagpaabot ng mensahe, personal man o sa pamamagitan ng liham. Nagpaliwanag ang ilang eksperto at mga tumatangkilik ng buhay. Naliwanagan ang bawat Pilipino at lalong napalago ang paniniwala sa pinaglalaban: Ang BUHAY sa sinapupunan.

Hindi man madaling unawain ng isang ordinaryong mamamayan ang lahat ng nakapaloob sa nasabing panukala, ngunit iisa ang nais ipahiwatig, na ito ay hadlang sa buhay na nasa sinapupunan at sa kalusugan ng isang ina. Hindi lamang ito ang solusyon sa kahirapan ng bansa. Masasabing isa sa mga dahilan ng kahirapan ay ang populasyon, ngunit hindi solusyon ang pagsasabatas at paglalaan ng malaking pondo para sa RH Bill. Ang kailangang bigyan ng pansin ay ang katiwalian, korupsyon, at mga batas na hindi makatarungan sa mga ordinaryong manggagawa na siyang dahilan ng laganap ng kahirapan. Ang kailangan ng ng mga mag-aaral mga silid aralan, maayos na aklat, mga guro at maayos na edukasyon upang ihanda sila sa hinaharap. Ang kailangan ng mga ina ay maayos na programang pangkalusugan at pagdadalantao hindi ang libreng kontraseptiba. Ang kailangan ng mga magulang ay maayos na trabaho upang makapamuhay ng marangal. Ang kailangan ng bawat Pilipino ay edukasyon, seguridad, maayos na tirahan, serbisyong pangkalusugan, at marangal na trbaho upang makapag- ambag sa pag-unlad ng bansa.

Hindi pa huli ang lahat. Hindi solusyon ang RH Bill. Ang buhay ay biyayang ipinagkaloob ng Maykapal sa bawat pamilya, sa bayan at sa buong mundo. Ang bawat buhay, ang bawat mamamayan ay solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng bayan. Sa pagsikat ng araw, sa pagtiklop ng mga payong, masisilayan ang bawat Pilipinong naniniwala at umaasa na ang bawat BUHAY sa sinapupunan ng isang ina ay ISANG BAGONG PAG- ASA!